Pinalawak ang kampanya para sa kalusugan at maagang pagtukoy ng mga sakit sa pamamagitan ng libreng laboratory services, breast ultrasound, mammography, at cervical cancer screening.
Tampok sa aktibidad ang pagbibigay ng libreng laboratory tests gaya ng Complete Blood Count (CBC), urinalysis, Fasting Blood Sugar (FBS) o Random Blood Sugar (RBS), lipid profile, at creatinine test. Kabilang din sa mga serbisyong inialok ang blood pressure monitoring upang matulungan ang mga kalahok na masubaybayan ang kanilang kalagayan sa kalusugan.
Naglaan din ng libreng pagpaparehistro para sa cervical cancer screening gamit ang Visual Inspection with Acetic Acid (VIA), gayundin ng libreng breast ultrasound at mammography para sa maagang pagtukoy ng mga posibleng palatandaan ng breast cancer.
Isinagawa ang programa kasabay ng paggunita sa World Diabetes Day upang higit na mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa diabetes, cancer prevention, at kahalagahan ng regular na pagsusuri sa kalusugan.
Samantala, pinangunahan ng mga Barangay Health Worker (BHW) ang Zumba dance na naglalayong mahikayat ang mga kalahok na maging aktibo sa pisikal na gawain, makatulong sa pagpapababa ng stress, at mapabuti ang kanilang mood.
Sa pamamagitan ng mga serbisyong ito, layunin ng programa na hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang kanilang kalusugan, magpasuri nang maaga, at magkaroon ng mas malusog na pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










