LIBRENG LUGAW AT CHAMPORADO, IPINAMAHAGI SA MGA DUMALAW SA SEMENTERYO SA SAN CARLOS CITY

Namahagi ng libreng lugaw at champorado ang Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City sa mga dumalaw sa pampublikong sementeryo sa paggunita ng Undas 2026.

Pinangunahan ng City Population Office ang pamamahagi ng lugaw kahapon ng umaga at champorado naman sa hapon.

Nagsagawa rin ng outreach program ang Lingkor na Kalangweran Batch 2026 kung saan namigay sila ng libreng lugaw at clean-up drive sa San Carlos City Public Cemetery.

Ayon sa lokal na pamahalaan, target ng mga aktibidad na makatulong sa mga dumalaw sa sementeryo habang ginugunita ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments