Monday, May 11, 2026

LIBRENG MAINTENANCE MEDICINES, INILUNSAD NG PHILHEALTH GAMOT PROGRAM SA DAGUPAN

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang PhilHealth GAMOT Program na naglalayong magbigay ng libre at tuloy-tuloy na gamot para sa mga kwalipikadong residente ‎ ‎Katuwang ang City Health Office Pharmacy, inilunsad ang programang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment o GAMOT.

‎ ‎
Sa ilalim nito, maaaring makatanggap ang mga rehistradong benepisyaryo ng hanggang dalawampung libong pisong halaga ng maintenance at outpatient medicines kada taon. ‎ ‎

Kabilang sa saklaw ng programa ang mga pasyenteng may asthma, diabetes, altapresyon, mataas na cholesterol, sakit sa puso, at iba pang mga karamdaman. ‎ ‎

Inaasahang makatutulong ang programang ito upang mapagaan ang gastusin sa gamot at mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments