
Nanindigan ang Malacañang na nananatiling maayos ang peace and order sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na naiuulat na krimen nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi ikinatutuwa ng pamahalaan ang mga insidente ng krimen, ngunit pinanghahawakan ng Malacañang ang ulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 20.6 porsiyento ang crime rate sa bansa nitong mga nakalipas na buwan.
Nabibigyan lamang aniya ng highlight ang mga krimen dahil sa malawak na pagbabalita.
Pero sabi ni Castro, may mga lugar pa sa bansa na walang naitalang krimen at mabilis ding naaaksyunan ng pulisya ang mga insidente.
Sa kabila ng pangamba ng ilan sa seguridad, nanindigan ang Palasyo na iba ang ipinakikita ng datos ng PNP.
Patuloy rin aniya ang operasyon ng pulisya upang mapigilan ang krimen at mapanatili ang seguridad ng publiko.










