LIBRENG MR VACCINATION, SISIMULAN SA SAN CARLOS CITY SA AGOSTO 10

Ilulunsad sa San Carlos City ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) mula Agosto 10 hanggang 28, 2026.

ALinsunod umano ito sa kampanya ng Department of Health (DOH) na mapalawak ang proteksiyon ng mga bata laban sa tigdas (measles) at tigdas-hangin (rubella).

Saklaw ng programa ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan, na mabibigyan ng libreng bakunang measles-rubella sa mga itatalagang health center at vaccination sites sa lungsod.

Ayon sa mga health authorities, target ng MR-SIA na mabigyan ng karagdagang proteksiyon ang mga batang kabilang sa target age group at mapanatili ang mataas na antas ng immunization coverage.

Hinihikayat ng ahensya ang mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa panahon ng implementasyon ng programa.

Inaasahang makikiisa ang mga magulang sa immunization activity para sa mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments