
Umaasa si Senator Erwin Tulfo ng pagkakaroon ng sapat na firetrucks ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga probinsya at sa mga malalayong lugar.
Sa pagdinig ng budget ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinuna ni Tulfo na maraming firetrucks sa mga lalawigan ang hindi na gumagana.
Aniya ang pangunahing dahilan nito base sa mga nakausap niyang bumbero ay nag-aantay pa rin ng parts request sa main office o wala talagang nailalaan na pondo.
Sinabi naman ni BFP OIC Chief Wilberto Rico Neil Kwan Tiu , sa ilalim ng National Expenditure Program nagmungkahi sila ng budget para sa pagpapaayos ng mga makina ng mga palyadong firetrucks at maintenance na aabot sa mahigit P3 billion.
Sinita naman ni Tulfo ang pagkakaiba ng equipment ng mga bumbero sa Metro Manila at sa mga probinsya dahil kalakhang Maynila ay upgraded ang equipment ng BFP samantalang sa mga probinsya ay mga bota lang at kapote.
Tiniyak ni Tiu na mayroong nakabinbin na procurement ng mga firetruck at kasalukuyan na ring nire-review ang mga specs at terms of reference na kailangan at sa oras na mabili ang mga firetruck ay kumpleto na ito sa kagamitan.










