Isang 53-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahuling nagbebenta ng buhay na aso para katayin sa isinagawang entrapment operation sa Barangay San Jacinto, Pangasinan noong Agosto 4, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) sa pakikipag-ugnayan sa Regional Director ng Animal Welfare Investigation Project (AWIP), isang non-profit organization na nakabase sa United Kingdom.
Ayon sa pulisya, nauwi ang entrapment sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang usang 53-anyos na nagtatrabaho bilang isang driver at residente ng naturang bayan.
Ang operasyon ay isinagawa kaugnay ng umano’y paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998.
Nasamsam sa suspek ang isang buhay na babaeng aso at iba pang gamit na ginamit umano sa operasyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at paghahanda ng kaukulang kaso laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











