Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dadalo sa selebrasyon ng anibersaryo ng SSS ngayong araw

Makikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa selebrasyon ng ika-65 anibersaryo ng Social Security System (SSS) ngayong araw.

Batay sa anunsyo ng MalacaƱang ito ay gagawin sa SSS building sa East Avenue, Diliman, Quezon City.

Bukod sa inaasahang talumpati ng pangulo sa selebrasyon ay pangungunahan nito ang pagbibigay ng SSS balikat ng BAYAN awards para sa mga empleyado ng SSS.


Sisimulan ang aktibidad alas-10:00 ng umaga mamaya.

Facebook Comments