Mahigit 100 kabataan sa Lingayen ang nakiisa sa mga gawaing pangkalikasan bilang bahagi ng paggunita sa International at National Youth Day. Isinagawa ang coastal cleanup sa Lingayen Beach na nilahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang youth organizations at Sangguniang Kabataan.
Sa tulong ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO, maayos na nakolekta at naitapon ang mga basurang nakuha mula sa baybayin.
Matapos ang coastal cleanup, nagtungo naman ang mga kalahok sa Lingayen Livelihood Training Center sa Palaris para sa tree planting activity. Umabot sa 50 punla ng guyabano at abokado ang itinanim sa lugar.
Layunin ng mga aktibidad na mahikayat ang kabataan na maging aktibo sa pangangalaga ng kalikasan at pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad. Nagbigay rin ng mga punla at pagkain para sa mga kalahok ang Provincial Government of Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







