Ayon sa abiso ng pamahalaang bayan, maaaring mag-apply ng permit ang mga ambulant vendor sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento kabilang ang valid ID, health certificate o resulta ng medical laboratory test ng empleyado, at larawan ng kanilang basurahan.
Mahalaga umano ang pagkakaroon ng Special Permit upang matiyak na sumusunod ang mga negosyo sa mga itinakdang pamantayan sa kalusugan, kalinisan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Bilang bahagi ng proseso, kinakailangang kumpletuhin ng mga aplikante ang mga dokumento, kumuha ng mga kinakailangang clearance at sertipikasyon, bayaran ang kaukulang bayarin sa Treasury Office, at kunin ang kanilang permit sa Business Permits and Licensing Office (BPLO).
Nanawagan din ang lokal na pamahalaan sa mga ambulant vendor na maging responsableng negosyante at katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad habang patuloy na nakikibahagi sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







