Monday, June 1, 2026

LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, NAIHATID SA HUMIGIT-KUMULANG 1,000 DAGUPEÑO

Humigit-kumulang isang libong Dagupeño ang nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan sa isinagawang dalawang araw na medical mission ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan sa pakikipagtulungan ng University of Santo Tomas Medical Missions, Inc.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ang libreng tuli, minor surgery, at health education tungkol sa arthritis. Nagkaroon din ng libreng ultrasound para sa mga buntis sa City Health Office.

Ayon sa City Health Office, mahigit 700 residente ang naabot sa unang araw ng aktibidad habang inaasahang umabot sa humigit-kumulang 1,000 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo sa pagtatapos ng medical mission kahapon, Mayo 31.

Pinangunahan ng mga volunteer doctors, nurses, healthcare workers, at iba pang medical partners ang paghahatid ng mga libreng serbisyong medikal sa mga residente.

Layunin ng taunang medical mission na mailapit sa mga mamamayan ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang konsultasyon at paggamot.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na komunidad para sa mga Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments