Libreng sine para sa senior citizen, muling binuksan sa Lungsod ng Makati

Courtesy: My Makati Facebook page

Muling binuksan ang libreng sine pang mas maging masaya ang senior citizens na residente ng Makati.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, siya mismo umano ang nag-scan ng Makati Citizen QR Code kung saan hindi kinakailangan nang mag-fill up ang mga senior citizen at kailangan lamang ng kanilang QR code.

Dagdag pa niya, ang lahat ng ito ay dahil sa mga senior citizen na naiinip nang ibalik ang naturang programa kaya naman humanap na ito ng paraan maibalik ang programa ngayong Hunyo sa lahat ng sinehan sa buong Lungsod ng Makati.


Samantala, nagbigay paalala rin si Mayor Binay sa mga senior citizen na makakaasa ang mga ito sa buong suporta ng Makati City sa kanilang mga programa.

Facebook Comments