Lider ng isang kilalang drug syndicate, arestado ng PDEA

102

Arestado ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) La Union ang high value target drug personality at lider ng isang drug group sa San Fernando City, La Union.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ricardo Alamangco ay dating miyembro ng Macatbag Drug Group at kasalukuyang lider ng Alamangco Drug Group.

Ayon sa ulat, kasama ng mga operatiba ng PDEA ang mga tauhan ng La Union Police Provincial Office-Provincial Intelligence at San Fernando City Police Station nang arestuhin ang lider ng drug group sa Brgy. Poro, San Fernando City.


Kabilang sa mga nasamsam sa suspek ang 9 na plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang caliber 38 na baril at limang bala.

Si Alamangco ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 at Republic Act 10591, o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Facebook Comments