Monday, May 4, 2026

Lifeline subsidy sa kuryente, ipinasusuri ng Palasyo sa Kongreso para sa mas patas na sistema

Iminungkahi ng Palasyo na muling suriin ng Kongreso ang umiiral na lifeline subsidy sa kuryente upang matiyak ang balanse sa pagitan ng mga benepisyaryo at iba pang electricity consumers, partikular ang middle-income earners.

Ito’y matapos almahan ng mga middle-income earners ang singil na subsidiya sa kuryente para sa mga 4Ps o mga pinakamahihirap.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, matagal nang umiiral ang naturang polisiya.

Ang lifeline subsidy aniya ay patuloy na nagbibigay diskuwento sa mahihirap na sektor, kabilang ang mga benepisyaryo ng 4Ps, na bahagyang ipinapasa sa ibang consumers.

Gayunman, binigyang-diin ni Castro na mahalagang mapag-aralan itong muli upang makahanap ng mas patas na mekanismo na hindi isinasakripisyo ang tulong sa nangangailangan, ngunit hindi rin labis na nagpapabigat sa ibang sektor ng lipunan.

Facebook Comments