Limang container ng mishandled meat, nasamsam ng mga awtoridad sa Caloocan City

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang nasa limang container ng mga mishandled meat o expire na mga karne sa Caloocan City.

Ito ay matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang pwesto sa bahagi ng Tuna Street C3-Caloocan City.

Sa ngayon, isang container pa lamang ng mga expired na mga karne ang nabubuksan ng mga awtoridad.


Tinitingnan din ng mga awtoridad kung ito ba ay smuggled na mga produkto.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ngayon ang mga tauhan ng Customs at DA kaugnay sa isinagawang raid sa bahagi ng Caloocan.

Facebook Comments