Friday, May 8, 2026

Mataas na rice inflation, pinaniniwalaang artificial lang ayon sa isang senador

Duda si Senator Kiko Pangilinan na artipisyal lang ang 13.7% na rice inflation rate nitong Abril.

Tinukoy ni Pangilinan na sa mga nakalipas na pagdinig ng Committee on Agriculture na kanyang pinamumunuan, makailang beses na tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas sa bansa hanggang Hunyo.

Malinaw na paglabag aniya ito sa Anti-Economic Sabotage Act, Consumer Act at Price Act.

Dahil dito, kinalampag ni Pangilinan ang gobyerno na tugisin at papanagutin ang mga profiteers, hoarders at abusadong traders na nagmamanipula sa presyo.

Nakakaalarma aniya ganitong kataas na inflation rate dahil ang direktang apektado nito ay ang mga mamimili, mga mangingisda at mga magsasaka.

Facebook Comments