MAHIGIT 3000 PAMILYA SA DAGUPAN CITY, TUMANGGAP NG DSWD FOOD PACKS SA RELIEF OPERATIONS

Umabot sa 3,386 pamilya sa Dagupan City ang nakatanggap ng DSWD Family Food Packs sa isinagawang relief operations ngayong Agosto 30 at 31, bilang agarang ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.

Pinangunahan ang pamamahagi ng 1,436 Family Food Packs sa Barangay Bacayao Sur ngayong umaga.

Samantala, 1,950 pamilya mula sa Barangay Longos ang nabigyan naman ng DSWD Relief Family Food Packs sa Bonuan Boquig noong Agosto 30.

Layunin ng operasyon na matulungan ang mga pamilyang patuloy na bumabangon matapos ang epekto ng sunod-sunod na kalamidad at malalakas na pag-ulan.

Naging mabilis at maayos ang distribusyon sa koordinasyon ng Sangguniang Panlungsod, DSWD Angels in Red Vests, Dagupan City Police Office (DCPO), Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at mga Barangay Council. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments