Lingguhang sectoral meeting, pangungunahan ni PBBM ngayong umaga

Muling pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpupulong sa Malacañang sa pamamagitan ng isang sectoral o cluster meeting.

Ang cluster meeting ay karaniwang ginagawa tuwing Martes.

Ang kalihim lang at mga pinuno ng attached agencies nito ang ipinatatawag para masusing pag-usapan ang mga update kaugnay sa usad ng mga proyekto ng departamento.


Sa cluster meeting din ay humihingi ang pangulo ng anomang development sa isang partikular na proyekto ng isang Kagawaran at para malaman kung ano na ang natapos at kailangan pang tapusin.

Kaugnay nitoy inaasahang magbibigay naman agad si Press Briefer Daphne Paez ng impormasyon hinggil sa kung anoman napag- usapan sa sectoral meeting.

Karaniwan ding humaharap sa press briefing ang pinuno ng kagawaran na nakapulong ni Pangulong Marcos sa tuwing Martes na sectoral o cluster meeting.

Facebook Comments