Linis KapaligiRun, ikinasa ng Taguig LGU

53

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano Ang KapaligiRun Activity o fun run kung saan ay namumulot ng mga basura habang naglalakad ang mga lumahok at mga residente sa Lakeshore Taguig City ngayong umaga.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, pinangunahan mismo nito ang naturang aktibidad kung saan namulot din siya ng mga basura habang nagjo-jogging at kabilang sa mga basura na kanyang nakuha ay balat ng candy upos ng sigarilyo, styrofoam at iba’t ibang klaseng basura.

Paliwanag ng alkalde na sa ganitong paraan ay malaki umano ang maitutulong para himukin ang iba mga residente para ingatan ang kapaligiran.


Dismayado si Mayor Cayetano at nakakalungot umanong isipin dahil nakasiksik ang mga kalat sa mga halamang napupunta sa tubig na nakakapinsala sa kalikasan sa matagal na panahon na napababayaan at hindi nabibigyan ng pansin.

Dagdag pa ng alkalde na ang naturang aktibidad ay bilang suporta ng Taguig City government sa Rethinking Tourism Slogan ng Department of Tourism (DOT) na may kahulugang pagbibigay-pansin sa ating kalikasan.

Facebook Comments