
Natanggap na ng Senate impeachment court ang listahan ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa impeachment trial.
Mismong ang Senate secretary na umaakto bilang clerk of court ng impeachment trial ang nakatanggap ng appearance ad cautelam mula sa Fortun Narvasa and Salazar Law Firm.
Aabot sa labing anim ang mga abogado na haharap at dedepensa kay VP Sara sa magiging paglilitis ng impeachment court.
Ilan sa mga defense lawyers ng Bise Presidente ay sina:
· Atty. Philip Sigfrid Fortun
· Atty. Gregorio Narvasa II
· Atty. Sheila Sison
· Atty. Carlo Joaquin Narvasa
Kasama rin sa listahan sina Atty. Michael Wesley Poa, Atty. Reynold Munsayac, Atty. Mark Vinluan At Atty. Ralph Bodota at iba pa.
Una nang pinadalhan ng writ of summons ng impeachment court ang kampo ni Duterte noong nakaraang linggo na kung saan kailangan sumagot at depensahan ang nakasaad sa articles of impeachment sa loob ng sampung araw.