
Arestado ang 6 na indibidwal sa paglabag sa gun ban na inilunsad noong May 4 para sa pinaigting na seguridad para sa ika-48 ASEAN Leaders Summit.
Nakumpiska ng Police Regional Office 7 ang 9 na mga baril sa mga serye ng operasyong isinagawa ng kapulisan.
3 sa mga nasabing baril ay boluntaryong isinuko, 5 ang nakuha sa police response operations at 1 ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation.
Nabatid na hanggang May 11 epektibo ang nasabing suspensyon ng permit to carry firearms outside of residence.
Nananatili namang naka-heigtened alert status ang Central Visayas para sa nasabing aktibidad.
Wala namang nakikitang banta ang Philippine National Police (PNP) sa nasabing pagtitipon ngunit hindi umano sila pakakampante sa mga posibleng mangyari.










