Pagbu-blur sa mga bystander sa pampublikong lugar, kakailanganin na batay sa bagong panuntunan ng National Privacy Commission

Naglabas ng bagong panuntunan ang National Privacy Commission (NPC) para sa mga vlogger at online influencer na gumagawa ng content online.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NPC Data Security and Compliance Office Director Atty. Aubin Arn Nieva na sakop ng NPC Circular Order 2025-01 ang pagpapanatili ng maayos na paggawa ng iba’t ibang content online.

Ipinunto rin ng opisyal na may kapangyarihan ang sinuman na ipatanggal ang anumang video o litrato kapag napasama o mahahagip nang walang pahintulot sa taong nag-post nito.

Muling nagpaalala ang NPC sa mga vlogger at influencer na kung nais nitong kumuha ng litrato at video sa pampublikong lugar kinakailangan nang i-blur o labuan ang kuha sa mga posibleng mahahagip nito lalo na kung walang pahintulot bilang pagsunod sa kautusan.

Facebook Comments