Friday, June 5, 2026

LITERACY NG MGA BATANG DAGUPEÑO, LALO PANG TINUTUTUKAN

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at ng Department of Education (DepEd) ang mas matibay na pagtutok sa kakayahan sa pagbasa ng mga batang mag-aaral sa tulong ng mga magulang at paaralan sa pamamagitan ng programang “Nanay, Ikaw ang Unang Guro.”


‎Sa isinagawang programa sa Dagupan City Plaza, binigyang-diin ni Mayor Belen T. Fernandez ang kahalagahan ng maagang paggabay sa mga bata, lalo na sa kanilang pundasyon sa pagbasa at pagkatuto.


‎Ayon sa alkalde, bahagi rin ng mga hakbang ng lungsod ang pagpapabuti ng mga pasilidad sa edukasyon, kabilang ang mga school buildings, libraries, at iba pang learning facilities upang mas magkaroon ng maayos na kapaligiran ang mga mag-aaral.


‎Kasama rin sa programa ang mga opisyal ng DepEd na nangunguna sa mga literacy initiatives sa lungsod.


‎Samantala, nagpahayag ng suporta ang mga magulang sa programa at kinilala ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mga batang mambabasa.

‎Ang mga magulang ang unang nagtuturo sa mga bata kaya mahalagang masuportahan ang kanilang pag-aaral kahit nasa tahanan.

‎Tuloy naman ang panghihikayat sa mas maraming magulang na maging aktibong katuwang ng mga guro sa pagpapalakas ng literacy at pagkatuto ng mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments