Pinangunahan ang aktibidad ng Chief at Assistant Chief ng Surveys and Mapping Division, kasama ang Pangasinan Provincial Assessor at mga opisyal ng Geodetic Engineers of the Philippines (GEP) Regional Division 1, layunin ng inspeksyon na suriin ang lokasyon at tiyakin na akma ito sa teknikal at propesyonal na pamantayan.
Ang proyekto, na ganap na popondohan ng Pamahalaang Panlalawigan, ay planong isama sa Lingayen Baywalk Esplanade development. Inaasahang makakatulong ito sa pagpapahusay ng kalidad ng surveying practices at pagpapalakas ng teknikal na kakayahan ng mga geodetic engineers sa Region 1.
Ayon sa lupon, ang calibration site ay magiging mahalagang hakbang sa pagpapaunlad ng geodetic engineering sa probinsya, at magbibigay suporta sa mas maaasahan at eksaktong datos para sa mga infrastructure at urban planning projects sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







