Naging katuwang sa paghahanda ng Alaminos City National High School (ACNHS) para sa nalalapit na pagbubukas ng klase ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa isinagawang clean-up drive sa loob at paligid ng paaralan.
Sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) Western Pangasinan Field Office at Public Employment Service Office (PESO) Alaminos City, nagsagawa ang mga TUPAD workers ng pagwawalis, pag-aalis ng mga damo, at iba pang gawaing pangkalinisan upang matiyak na ligtas, malinis, at maayos ang kapaligiran ng ACNHS sa pagdating ng mga mag-aaral.
Ipinagpatuloy ng mga benepisyaryo ang kanilang mga gawain sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon, bilang bahagi ng community work na nakapaloob sa programa.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamunuan ng ACNHS sa DOLE at PESO Alaminos City sa patuloy na pagpapatupad ng TUPAD, na bukod sa pagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay ay nagiging daan din upang maisakatuparan ang mga proyektong nakikinabang ang mga paaralan at iba pang sektor ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments