
Inisyuhan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng work stippage order ang Atienza Interisland Ferries Inc, ang may-ari ng nasunog na MV June Asther sa dagat na sakop ng Coron, Palawan.
Sa nasabing kautusan, sakop dito ang operasyon ng anim na barko ng kumpaniya dulot ng mga nakitang paglabag sa mga patakaran sa paggawa.
Ayon kay DOLE NCR Director Rio Buenafe, ilan sa mga ito ay ang kawalan ng programa hinggil sa Occupational Safety and Health, kawalan ng safety officer at iba pa.
Sinabi naman ni Labor Sec. Francis Tolentino, bawal bumiyahe ang anim na barko ng kumpanya hanggang walang tugon sa nakitang mga paglabag.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOLE na tuloy ang suweldo ng mga tauhan ng Atienza at may 10 araw sila para sumunod kung saan tatagal ang kautusan hanggang Oct 23.
Bukod dito, may katapat rin na P100,000 na multa kung mabibigong matugunan ang mga natukoy ng DOLE na problema.










