Loader Operator, Timbog sa pagbebenta ng ilegal na droga

32
Cauayan City, Isabela- Arestado ang 32-anyos na loader operator sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP bandang alas-12:50 ng hapon sa Barangay Culling, Centro Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PDEA, kinilala ang suspek na si Jay Sarambao, walang asawa at residente ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Dinakip ang suspek matapos umano nitong bentahan ang isang ahente ng PDEA na umakto bilang poseur buyer ng isang (1) transparent plastic cling wrapper na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana na tumitimbang ng 500-gramo at nagkakahalaga ng higit kumulang P60,000.

Nakumpiska naman sa pag-iingat nito ang pera na ginamit sa transaksyon, dalawang bala ng 12-gauge shotgun at cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).

Pinuri naman ni PDEA RO2 Director Joel Plaza ang mga tauhan ng PDEA Isabela at Isabela PPO matapos ang operasyon.

Facebook Comments