
Magkakaroon ng makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kaalamang digital sa komunidad ng Urdaneta City sa pamamagitan ng dalawang araw na Digital Literacy Program na pangungunahan ng Urdaneta City Library at Tech4Ed Center.
Isasagawa ang programa sa Abril 22 hanggang 23, 2026, mula alas-nuwebe (9) ng umaga hanggang alas-(4) ng hapon. Lalahukan ito ng mga miyembro ng Federation of Rural Improvement Club (RIC).
Layunin ng nasabing programa na mapahusay ang kakayahan ng mga kalahok sa paggamit ng teknolohiya—mula sa batayang kaalaman sa kompyuter hanggang sa paggamit ng mga online tools na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain at sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Ayon sa mga tagapag-organisa, mahalaga ang digital literacy sa kasalukuyang panahon upang mas mapadali ang komunikasyon, pag-access sa impormasyon, at paglahok sa iba’t ibang oportunidad na dala ng makabagong teknolohiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










