Isang mahalagang hakbang para sa pagpapaunlad ng kabataan ang opisyal na pagbubukas ng kauna-unahang Binmaley Teen Center, na magsisilbing ligtas at malikhaing espasyo para sa mga kabataang Binmalenian.
Ang proyektong ito ay bunga ng sama-samang adhikain para sa youth empowerment, na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Federation katuwang ang Local Youth Development Office.
Naging posible ang pagtatatag ng pasilidad sa pamamagitan ng suporta ng lokal na pamahalaan bilang patuloy din na suporta para sa sektor ng kabataan.
Higit pa sa isang pasilidad, ang Binmaley Teen Center ay itinuturing na isang creative sanctuary kung saan maaaring linangin ang talento, kakayahan, at liderato ng kabataan.
Isa rin itong patunay ng maayos at makabuluhang paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.
Matatagpuan ang naturang sentro sa ikalawang palapag ng Binmaley Training Center. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










