
Nilagdaan na ni Philippine National Police Academy (PNPA) acting Director BGen. Redrico Maranan ngayong araw ang rekomendasyon ng tactics group na i-terminate ang Cadetship Program ng 7 kadete na nasangkot sa hazing sa mahigit 20 underclassmen sa PNPA.
Ang nasabing grupo ang nag-imbestiga sa administrative aspect ng nasabing insidente.
Ayon kay Maranan, nakita na nagkaroon talaga ng administrative lapses at paglabag sa batas kung kaya’t agad idi-dimissed ang nasabing pitong mga kadete.
Ayon pa kay Maranan, inaasahan na madi-dismissed din ang dalawa pang cadets sa panibagong kaso na naman ng maltreatment sa akademya na nagresulta sa pagkakaroon ng pasa sa paa ng 2 underclass cadets na nadiskubre sa isinagawang body check .
Facebook Comments










