Transport study ng JICA para sa Greater Manila, rerepasuhin ng DOTr

Rerepasuhin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang transport study para sa Greater Manila na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ayon kay Dizon, mahalagang may sinusunod na masterplan upang epektibong matugunan ang problema sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Nakapaloob sa naturang masterplan ang mga pag-aaral kung saan dapat itayo ang mga bagong paliparan, karagdagang linya ng MRT at urban rail, pati na rin ang mga koneksyon palabas ng Metro Manila patungong South at North Luzon.

Isa sa mga proyektong nakapaloob sa transport study ay ang North-South Commuter Railway, na mag-uugnay sa Calamba at Pampanga, pati na rin ang Metro Manila Subway.

Binigyang-diin ni Dizon na ang solusyon sa traffic congestion ay hindi dapat patse-patse o “band-aid solution.”

Kailangan aniyang may malinaw na short, medium, at long-term plans batay sa datos ng population growth, urbanization, at urban spread.

Facebook Comments