Naaresto ng pulisya sa loob lamang ng limang oras ang suspek sa pamamaril na naganap sa bayan ng Mabini, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng awtoridad, matapos ang naganap na pamamaril, agad namang ipinatupad ng mga awtoridad ang A.L.E.R.T.O. Framework at Seal-Off Plan, na nagresulta sa sabayang hot pursuit operations, intelligence monitoring, at pagpapatupad ng mga checkpoint sa buong lalawigan sa pamamagitan ng lahat ng himpilan ng pulisya at mga operational unit.
Dahil sa mabilis na koordinasyon at agarang pagtugon ng mga pulis, natunton at naaresto ang tumatakas na suspek sa loob ng limang oras matapos ang insidente.
Ipinakita ng matagumpay na operasyon ang kahalagahan ng mahusay na koordinasyon, mabilis na aksyon, at walang humpay na pagtugis ng mga awtoridad upang matiyak na mananagot sa batas ang mga sangkot sa krimen.
Samantala, muling pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na tumawag sa 911 sa oras ng emergency upang matiyak ang agarang responde ng mga kinauukulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











