Thursday, August 6, 2026

BSKE, ipinatatakda na sa November 2028

Isinusulong ni Senator Chiz Escudero na itakda sa unang Lunes ng November 2028 ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa halip na sa darating na November 2, 2026.

Sa Senate Bill 2387 ni Escudero, pinapaamyendahan ang Republic Act 12232 kung saan mula sa kasalukuyang apat na taong termino ay gagawing limang taong termino ang mga opisyal sa Barangay at SK.

Pinananatili naman ang tatlong termino para sa mga barangay officials habang isang termino lang sa SK.

Dahil sa isinusulong na limang taon na termino, kailangan ding maiurong ang petsa ng halalan na sana ay nakatakda ngayong taon.

Mananatili naman sa termino ang mga kasalukuyang opisyal ng BSK hanggang sa magsagawa ng halalan sa November 2028.

Facebook Comments