PROJECT BIG-A INILUNSAD NG MTO-MALAY PARA MAPADALI ANG PAGBAKASYON SA ISLA NG BORACAY

Kalibo, Aklan – Inaasahan na mas magiging madali na ang pagbakasyon sa isla ng Boracay.
Ito ay matapos na inilunsad ng Malay Tourism Office (MTO) ang Project Big A o ang Boracay Information Guide Application na isang all-in-one mobile app na magbibigay ng impormasyon tungkol sa Boracay sa mas “safe’ na pag bakasyon.
Ayon kay Mr. Felix Delos Santos ng Malay Tourism Office, na ang app ay pwedeng ma-download ng libre sa play store para sa mga android users o pwede ring ma-access sa boracayinfoguide.com.
Sa nasabi ring mobile app, pwedeng ma-access ang mga DOT Accredited establishments sa isla, mga available rooms, mga pwedeng puntahan at ma-experience sa isla ng Boracay at mainland Malay.
Facebook Comments