LRT line-1 at 2, balik-operasyon na bukas

Balik-biyahe na ang Light Rail Transit o LRT line-1 at 2 simula bukas, April 10.

Ito ay matapos magsuspinde ang nasabing transportasyon para sa taunang maintenance works kasabay ng paggunita ng Semana Santa.

Ayon sa LRTA, magpapatuloy na simula sa Lunes ang biyahe ng LRT-1 na sakop ang Monumento (Caloocan City)-Baclaran (Pasay City)-Caloocan at LRT-2 na biyahe namang Masinag (Antipolo City)-Recto (Manila)-Antipolo.


Matatandaang, nagsimula ang pansamantalang suspensyon noong April 6 upang palitan nag mga door engine belt upang tiyakin kung gagana pa ang 40 pinto ng tren.

Samantala, nagsagawa ng general cleaning ang mga utility personnel sa mga bodega ng LRT-2, gayundin sa mga escalator, elevator at hagdan ng mga istasyon.

Facebook Comments