LTFRB, inatasan na ng DOTr na sampahan ng reklamo sa DOJ ang konduktor ng bus na sangkot sa pananakit ng isang pasaherong PWD

COURTESY: Jem Paul Francisco/Facebook

Nais ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon na ang pamahalaan na mismo ang kumilos para masampahan ng kaso ang konduktor ng bus na sangkot sa pananakit sa isang PWD.

Sinabi ni Dizon na aatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para magsampa ng kaso sa Department of Justice o DOJ.

Ani Dizon, hindi na niya hihintayin pa na ang biktima ang magsampa na kaso lalo na’t lumalabas na ang konduktor mismo ang gumamit ng taser para kuryentehin ang pasahero.

Kasong kriminal ang isasampa laban sa konduktor.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, pinadalhan na noong Biyernes ng show cause order ang operator ng Precious Grace Bus Co., upang pagpaliwanagin sa naging aksiyon ng kanilang konduktor.

Facebook Comments