Nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong rutang pangbus mula Baguio City patungong Mangatarem, Pangasinan para sa pagpili ng mga interesadong bus operator.
Ito ay kasunod ng kahilingan ng isang bus operator, alinsunod sa mga itinakdang operational guidelines at iba pang requirements ng ahensiya.
Nakasaad ang naturang ruta sa LTFRB Memorandum Circular No. 2026-113.
Gayunman, nilinaw na hindi pa operational ang nasabing ruta dahil wala pang naaatasang bus operator na mamamahala sa biyahe.
Sa ngayon, hindi pa matutukoy kung kailan magsisimula ang aktuwal na operasyon ng bus route mula Baguio City patungong Mangatarem, Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








