LTO, hindi tinupad ang kontrata sa digitalization

Dismayado ang IT provider na DERMALOG dahil sa hindi tinupad ni Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ang kontrata sa digitalization.

Sa ginanap na Pulong Balitaan sa QC sinabi ni DERMALOG Spokesperson Atty. Nikki De Vega, isa umanong kawalan sa publiko ang patuloy umano na hindi pagtupad ni Mendoza sa kasunduan ng LTO sa IT Firm na DERMALOG tungkol sa pagpapalit ng sistema mula sa lumang kontrata patungo sa bago, na isang malubhang banta sa mga banyagang mamumuhunan.

Sabi ni Atty. De Vega nagdudulot ito ng takot sa mga mamumuhunang banyaga at nanganganib ang $4 bilyong pangako ng mga kumpanya mula sa Germany na nag-iinvest sa Pilipinas.


Paliwanag pa ni De Vega walang legal na hadlang sa bahagi ng DERMALOG dahil sa sila ay nanalo sa bidding ng malinis at naaayon sa proseso,kung saan kinilala ng gobyerno ng Pilipinas na mas mabuti at mas epektibo ang sistema ng DERMALOG kumpara sa lumang sistema ng LTO.

Sa panig naman ni Mendoza, ang LTO umano ay patuloy na nagsisikap upang mapabuti ang mga serbisyo nito at magamit ang advance technology sa pamammagitan ng pagbibigay ng mabilis at mas komportableng transaksiyon sa mga kliyente.

Gayunpaman, natuklasan aniya ng LTO ang ilang mga limitasyon sa ilalim ng Land Transportation Management System o LTMS na mula sa IT provider kabilang ang mga pagkakaiba sa mga computation ng ilang mga bayarin at palagiang glitches sa system na ibinibigay ng DERMALOG.

Ang mga limitasyong ito aniya ang dahilan kung bakit hindi pa nakakapag-fully digital ang LTO at kung bakit kailangang gamitin ang dating sistema.

Ang LTMS ay isang kontrata sa digitalization na nagkakahalaga ng mahigit Php 3 bilyon na nilagdaan noong 2018.

Paliwanag naman ni Asec. Mendiza ,ang LTO ay umaasa na magpapasya na ang Korte Suprema ay nakabimbing kaso na isinampa ng dalawang gumagamit ng LTMS na naapektuhan sa problemang dulot ng dating IT provider.

Samantala, iginiit naman ni Atty. De Vega na ang ganitong karanasan sa pamunuan ng LTO ay posiblemg magdulot ng pagkawala ng mga pangako ng mga Kumpanya mula sa Germany na nag-aalala sa kanilang mga plano na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.

Facebook Comments