
Umabot na sa 6,302 ang kabuuang kaso ng dengue sa Quezon City mula January 1 hanggang nitong October 12. 2026.
Bagama’t mas mababa it ng 33% kumpara sa bilang ng dengue case sa parehong panahon noong 2025, lumalabas sa datos na 4 sa 10 tinatamaan ng sakt ay pawang mga nasa edad 10 taon pababa.
Sa kabuuang bilang, 35 ang naitalang dengue-related death sa buong lungsod habang siyam na kaso ang nasa severe cases at walo ang kumpormido na patuloy na inoobserbajan ng Quezon city Epidemiology and Surveillance.
Patuloy na paalala ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran upang maiwasan na magkaroon ng dengue at iba pang sakit.
Sakali naman makaranas ng sintomas ng dengue katulad ng lagnat na tumagal ng dalawang araw, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, o rashes, maiging kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center para hindi na lumala ang sakit at hindi mauwi sa pagkasawi.










