OLD PUBLIC MARKET NG SAN CARLOS CITY, PANGASINAN, NASUNOG

Muling nasunog ang gusali ng Old Public Market NG San Carlos City, Pangasinan kahapon ng tanghali, Abril 30, 2026,

Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali pasado tanghali at umabot sa ikatlong alarma. Kabilang sa mga naapektuhan ang ilang puwesto, opisina ng Liga ng mga Barangay, Grace Guardian Group, at storage area ng market division office.

Agad naman na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) San Carlos katuwang ang mga firetruck mula sa mga karatig bayan tulad ng Urbiztondo, Basista, Lingayen, Malasiqui, Calasiao, at Sta. Barbara, na naging susi upang mapigilan ang paglala ng sunog.

Sa kabila ng insidente, wala namang naiulat na nasawi. Matatandaang hindi na ginagamit ang nasabing gusali matapos ang naunang sunog noong Agosto 22, 2024, at nailipat na ang mga apektadong stall owners sa makeshift stalls sa New Public Market sa Barangay Roxas sa parehong lungsod.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog. Samantala, inaasahang magsisilbing pagkakataon ang insidenteng ito upang higit pang mapagtibay ang mga hakbang sa kaligtasan at pagpapaunlad ng lugar para sa kapakinabangan ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments