Lungsod ng Taguig, may pinakamababang bilang ng active cases sa buong NCR

26

Inihayag ni Taguig Mayor Lino Cayetano na nananatili ang lungsod ng Taguig sa may pinakamababang bilang ng active cases sa buong National Capital Region (NCR).

Ayon kay Cayetano, sa 100,000 ka tao, walo rito ang kabilang sa active cases kumpara sa NCR na meron bilang na 22 na active cases kada 100,000.


Batay sa datos ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) kahapon, mayroong bilang na 81 na active cases ang lungsod bumababa ito ng apat kumpara sa datos noong February 13.

Nananatili naman sa 179 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.

Sa kabuuan, umabot sa 11,682 ang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 11,422 nito ay mga gumaling na mula sa naturang sakit.

Facebook Comments