
Nananawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Agriculture (DA) na agad aksyunan ang oversupply ng kamatis sa bansa tulad sa Nueva Vizcaya at Iloilo.
Diin ni Lee, nakapanlulumo at nakapanghihinayang na makitang itinatapon na lang at nauuwi sa wala ang pinaghirapang pagtatanim ng ating mga magsasaka.
Mungkahi ni Lee sa DA, magpatupad ng training programs para sa mga magsasaka kaugnay sa pagproseso at paglikha ng iba pang produkto mula sa kamatis tulad ng sun-dried tomatoes, tomato paste, ketchup, at tomato jam.
Ayon kay Lee ang pagbibigay ng makabagong kaalaman at kagamitan sa ating mga magsasaka ay malaking tulong para hindi masayang ang kanilang mga ani at madagdagan ang kanilang kita.
Facebook Comments