Tuesday, July 7, 2026

Usec. Castro, pahaharapin si VP Sara sa impeachment court kung siya ang abogado nito

Kung si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro raw ang abogado ni Vice President Sara Duterte, papaharapin niya umano ito sa mga testigo sa impeachment trial.

Ayon kay Castro, kung sigurado siyang walang kasalanan ang kanyang kliyente, hihikayatin niya itong humarap sa mga testigo at pabulaanan ang lahat ng alegasyon laban dito.

Pero sabi ni Castro, maaga pa para magbigay ng mas malalim na komento dahil nagsisimula pa lamang ang impeachment trial at hindi pa natatanong si VP Sara.

Posible rin aniyang hindi tanggapin ng bise presidente ang kanyang opinyon, ngunit naninindigan siyang mas makabubuting harapin ang mga testigo kung wala naman itong dapat ikatakot.

Facebook Comments