Tuesday, July 7, 2026

VP Duterte, dumating sa Senado ngayong tanghali

Dumating sa Senado si Vice President Sara Duterte pasado alas dose ng tanghali.

Nakasuot ng green polo shirt at gray pants ang bise presidente nang dumating sa Mataas na Kapulungan.

Sinundo siya ni Atty. Michael Poa, legal defense spokesperson, sa may parking area na papasok sa loob ng gusali sa Senado.

Hindi man nagpaunlak ng panayam sa media pero sinabi ni Duterte na sa gitna ng madugo at pambubugbog sa kanya ay hindi siya yuyuko o bibigay sa mga nangyayari.

Naunang dumating sa Senado kaninang umaga ang mga tauhan ng Vice Presidential Security and Protection Group bilang advance party at ilang mga staff ng Office of the Vice President.

Kinumpirma ni Poa ang pagdating ni VP Sara sa Senado pero hindi para dumalo sa impeachment trial kundi dahil may pulong ang bise sa kanyang defense team.

Alas-dos ngayong hapon ay muling ipagpapatuloy ang Day 2 ng impeachment trial kung saan tatalakayin ang Article 4 o ang naging pagbabanta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments