MABILIS NA PROSESO │iDOLE, ilalabas sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa December 5 o 6 ang OFW IDs o mas kilala bilang iDOLE system.

Sa pamamagitan nito, mapapabilis at isahan na lamang ang pag-proseso sa mga dokumento mula sa Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) at Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA).

Magsisilbi na rin itong Overseas and Employment Certificate (OEC) ng mga manggagawa bago makaalis ng bansa.


Para makakuha ng I-D, mag-apply lamang online sa website ng POEA: www.poea.gov.ph

Facebook Comments