Tuesday, October 27, 2026

Philippine Air Force, nilinaw na hindi pa matanda ang kanilang 2 trainer aircraft na sangkot sa mid-air collision sa Batangas; nasabing klaseng aircraft, walang ejection seat

Nilinaw ng Philippine Air Force (PAF) na hindi pa matanda ang kanilang dalawang SF-260 trainer aircraft na sangkot sa mid-air collision na nagresulta sa pagkasawi ng 4 na piloto sa Fernando Air Base Lipa City, Batangas.

Sa press conference na ginanap sa Camp Aguinaldo, sinabi ni PAF Spokesperson Col. Alvin Capinguian na pasok pa sa airframe operating hours ang nasabing 2 trainer aircraft at mahaba pa ang operational capability nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PAF at tinitingnan na ang lahat ng anggulo sa nasabing insidente.

Samantala, ibinahagi naman ni Capinguian na base sa disensyo ng SF-260 trainer aircraft ay wala itong ejection seat ngunit may parachute ito na kasama sa gear ng mga piloto.

Gayunpaman ayon kay Capinguian, ang nangyari sa mga pilotong nasawi ay hindi sila nakalabas sa nasabing aircraft kung kaya’t hindi nagamit ang parachute.

Kaugnay nito, grounded naman ang lahat ng SF-260 aircraft habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments