MGA UPUANG GAWA SA RECYCLED PLASTIC, IPINAMAHAGI SA MANAOAG NHS

‎Ipinamahagi ng Sentinel Upcycling Technologies Company ang mga upuang gawa sa recycled plastic sa Manaoag National High School bilang bahagi ng programang naglalayong mabawasan ang basurang plastik at maisulong ang pangangalaga sa kapaligiran.

‎Pinangunahan ni Jonathan Co, may-ari ng kumpanya, ang turnover ng mga upuan na mula sa mga plastik na pinroseso at muling ginamit upang maging kapaki-pakinabang na produkto.
‎

‎Bahagi ang aktibidad ng upcycling initiative na sinimulan noong 2024 sa pakikipagtulungan nina Manaoag First Lady Dr. Marie Suzette “Twiggy” B. Rosario at Municipal Environment and Natural Resources Officer Aldjumar De Guzman, sa suporta ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” B. Rosario.

‎
‎Kasabay nito, nagkaroon din ng model classroom sa Manaoag National High School upang hikayatin ang mga mag-aaral, guro, at kawani na makiisa sa wastong pamamahala ng basura at muling paggamit ng mga plastik.

‎
‎Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng paaralan, lokal na pamahalaan, at iba pang tanggapan upang suportahan ang inisyatibong nag-uugnay sa pangangalaga sa kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral.

‎
‎Sa pamamagitan ng naturang programa, layong mabawasan ang basurang plastik at mahikayat ang komunidad na gawing kapaki-pakinabang na produkto ang mga materyales na karaniwang itinatapon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments