Tumaas sa ₱11.35 kada kilowatt-hour (kWh) ang average na singil sa kuryente ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ngayong Oktubre.
Ayon sa DECORP, dulot ito ng higher generation, foreign exchange, at presyo ng kuryenteng binibili sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Noong Setyembre, nasa ₱10.96 ito kada kWh. Tinatayang ₱78 ang madadagdag sa buwanang bayarin para sa karaniwang kabahayan na gumagamit ng 200 kWh at maaari pang magbago depende sa konsumo.
Sa mga nakaraang buwan, ilang beses ding nagbago ang singil ng DECORP. Noong Agosto, umakyat ito sa ₱12.59 kada kWh mula sa ₱12.31 noong Hulyo.
Giit ng DECORP, hindi nagbago ang singil sa pamamahagi ng kuryente, serbisyo at metro mula pa noong 2015.
Pinayuhan na lamang ng kumpanya ang mga konsumer na magtipid sa paggamit ng kuryente para makontrol ang konsumo sa buwanang bayarin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








