Friday, April 17, 2026

204 INDIGENT FAMILIES SA DAGUPAN CITY, BINIGYAN NG FOOD PACKS

Patuloy na pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang kampanya laban sa malnutrisyon sa pamamagitan ng Unaen Su Mairap Bilay (UMB) Program, kung saan 204 indigent beneficiaries ang nakatanggap ng food assistance at iba pang serbisyo.

Sa isinagawang pamamahagi, nabigyan ang mga pamilyang benepisyaryo ng food packs na binubuo ng grocery items, 10 kilong bigas, itlog, at manok bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na nutrisyon at pagkain.

Bukod sa ayuda sa pagkain, isinabay rin ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at social support tulad ng medical assistance, financial aid, at tulong sa pagkukumpuni ng mga nasirang tahanan ng ilang pamilya.

Ayon sa mga katuwang na tanggapan ng pamahalaan, ang programa ay nakatuon hindi lamang sa pagbibigay ng agarang tulong kundi sa pangmatagalang layunin na mapabuti ang kalusugan ng mga batang apektado ng malnutrisyon at mapatatag ang kabuhayan ng mga pamilyang benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng UMB Program, inaasahang mas mapapalawak pa ang abot ng serbisyong panlipunan ng lungsod upang matiyak ang mas malusog at mas ligtas na pamumuhay para sa mga pamilyang Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments