Mag-ina, pinagbabaril sa Tondo, Maynila; Anak, patay habang ina, sugatan

Tondo, Manila – Patay ang isang 20-anyos na lalaki habang sugatan naman ang ina nito matapos pagbabarilin ng tatlong hinihinalang suspek kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Kiefer Anselmo Mangila, residente ng 1469 Alvarado Ext. Tondo, Maynila.

Nasawi ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo, habang isinugod naman sa Metropolitan Hospital ang kanyang inang si Amapola, 38-anyos, dahil sa tama ng bala sa balikat at binti.


Sa imbestigasyon ni SPO2 Lester Evangelista Ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-sais ng gabi nang pasukin ng tatlong suspek ang bahay ng mga biktima.

Tinitingnang anggulo ng mga pulis ay ang pakikipagrelasyon ng biktima sa isang 17-anyos na sinasabing ka-live in ng isang drug pusher na nakakulong sa Bicutan jail.

Facebook Comments